Add parallel Print Page Options

25 Ang(A) pilak mula sa kapisanan na binilang ay sandaang talento, at isang libo't pitong daan at pitumpu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo:

26 tig-isang(B) beka bawat ulo, samakatuwid, kalahati ng isang siklo, ayon sa siklo ng santuwaryo, sa bawat isa na nasali sa mga nabilang, magmula sa dalawampung taong gulang pataas, sa anim na raan at tatlong libo at limang daan at limampung lalaki.

27 Ang isandaang talentong pilak ay ginamit sa pagbubuo ng mga patungan ng santuwaryo, at ng mga patungan ng mga haligi ng tabing; sandaang patungan sa sandaang talento, isang talento sa bawat patungan.

Read full chapter